PARTY! @
Thursday, April 22, 2010
ngayong araw, ay may napala ako!:))
HUWAW NAMAN DI BA :))
7th Birthday ni Kate ngayon. Yung batang cute sa skool na ayaw sabihin pangalan niya.
NGAYON, alam ko na... VIVIAN KATE!:D {napala no. 1}
Sa blue horizon yung birthday party niya. AYOS DI BA. first time (mulalang mulala). *kasi naman! dapat dun kami magpprom eh!* NAKAPASOK NA RIN AKO. ANG GANDA NGA :) {napala no.2}
Antagal tagal bago mag start. HAY FILIPINO TIME NGA NAMAN! bawal kami ma-late kasi escort si justine (pinsan ko)
Tas after 30 mins, may pinasok na yung... ah basta yung pushcart ng mga nagttinda ng ice cream! ewan ko kung ano tawag don. basta ganto itsura

inaantay namin ni harly ung mauunang manghingi, para hindi naman kami magmukhang excited :)) sabi ko "at least, 2nd tayo sa mga pinakaexcited". anong napala ko jan? edi ano pa. UNLIMITED ICE CREAM!:)) {napala no. 3}
SUMUNOD, may pinasok... ung parang bike na may side car na parang dun sa naglalako ng fish ball. PERO! alanganin namang fishball ung magging unlimited di ba. UNLIMITED COTTON CANDY NAMAN!!! :)) {napala no. 4} hay nako, naka-10 plastic ako ng cotton candy, puro supot tuloy yung lamesa namin.
Tapos ng dumating na si kate, ayon nagsayaw na sila. ayos, hindi nagbblur masyado yung camera. naghhang lang. ampucha. :)) pero andami kong shots. mas mgnda kung nakaburst tas nka self timer yung cam ko, less blurry yung mga shots napala no. 5}
ALAM NIYO BANG PINAULIT YUNG SAYAW NILA! :))
edi todo kuha na naman ako ng pics!xD wa poise kung wa poise basta makakuha ako ng mgndang shot!
NAGUGUTOM NA AKO NON. Alam niyo bang pagkadating namin don 4pm, 7 30 na kami nakakain!!! pero infairness, ang sarap! :)) bakit yung pagkain namin ng prom, hindi masarap? ewan ko, malamang gutom lang ako :)) BUSOG NA BUSOG AKO NON! {napala no. 6}
TAPOS yung balloons sa gitna ng lamesa namin, dalawa. edi tig isa kami ng tita ko. ang kyut eh!:)) inuwi ko yun at wala lang... gusto ko lang iuwi {napala no. 7}
TAPOS may pinamigay na lapis. :)) muntik na akong maubusan. buti nalang naalala ako ng tita ko. ayon meron rin akong nakuha. bat ung isang lalaki dun 7 ung hawak?! SUGAPA EH!!! {napala no. 8}

Tapos, uwian naaaa!:)) pag kalabas ko, may nakita akong cute na figurines :)) edi nagpicture picture ako {napala no. 9}

ANTAGAL NG DRIVERRRR NAMIN o_____________o mukha kaming ewan dun sa lobby. :)) BORING BIGLA EH! kaya nagpatuloy nalang kami sa pagppicture. may nakaktuwa kaming shot ni justine :)) HEART!! {napala no. 10}

AYAN ANDAMI KONG NAPALA NGAYONG ARAW. :))
buti nalang. may issulat na ako sa paniguradong unang theme writing namin next school year...
"WHAT I DID LAST SUMMER"
hahahha
i miss bee, vana, macon, kay, jonnah, chelsi at sheen. :|]>